Tapusin Ang Mga Sinimulang Pangungusap: Ipinapalagay Ko Na Ako Ay Magtatagumpay ...
Tapusin ang mga sinimulang pangungusap: ipinapalagay ko na ako ay magtatagumpay ...
Answer:
Ipinapalagay ko na ako ay magtatagumpay dahil ako ay may tiwala sa aking kakayahan,may disiplina sa sarili,at may pananalig sa diyos.para sa akin iyan ang mga katangian na dapat taglayin ng isang taong nais na magtagumpay sa kanyang mga mithiin sa buhay. dapat mayroon kang tiwala sa iyong sarili sa lahat ng bagay na iyong ginagawa at may paninindigan sa buhay. Dapat taglay mo rin ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili sa lahat ng bagay sa panahon ngayon napakaraming tukso at balakid sa iyong paligid na maaring humadlang sa iyo upang ikaw ay magtagumpay sa iyong buhay. Pero kung ikaw ay may disiplina maari mong malampasan ang mga ito. Higit sa lahat magtatagumpay ka kung may roon kang pananalig sa diyos, gawin mong sentro ng iyong buhay ay ang panginoon. dahil sa lahat ng pagsubok at balakid sa iyong buhay tanging siya lamang ang gagabay sa iyo upang magtagumpay.
Code 9.24.1.16
buksan para sa karagdagang kaalaman:
mga dapat gawin upang magtagumpay sa buhay brainly.ph/question/553998
sampung utos sa sarili upang magtagumpay sa buhay brainly.ph/question/1385183
susi sa pagtatagumpay brainly.ph/question/2062014
Comments
Post a Comment